BABAE KA ni ANI MONTANO

1.  Paano inilarawan ang babae sa awit?

·        Inilalarawan ng awit na ito na ang kababaehan kung saan ay walang nagtitiwala isang mahina na ang naiaambag lang ay kagandahan. Ngunit ang babae ay tao rin na kailangan ding maging malaya at may karapatang malasap ang mundo.

2.  Sang-ayon ka ba sa sinabi sa awit na ang babae ay ganda lang ang pakinabang at sa buhay walang alam? Ipaliwanag.

·        Hindi, sapagkat ang babae ay may kakayahan din tulad ng mga lalaki di natin kailangan magtago sa isang sulok. Sa panahon natin ngayon napakarami na ang nag pupulis na noon ay para sa lalaki lamang.

3.  Magbigay ng mga halimbawang nagpapatunay na kaya ng babaeng ipaglaban ang kanyang karapatan at kalayaan.

·        Halimbawang nagpaoatunay na kaya ng babaeng ipaglaban ang kanyang karapatan at kalayaan. Marami sa kababaehan ay single mom, hindi mo maalis sakanilang mag trabaho na noon ay gawain lamang ng kalalakihan at ang babae ay nasa bahay lamang. Kailangang kumayod ng mga babae para sa pang sarili o para sa pamilya.

4.  Ano-ano ang payo ng may-akda ng awit sa mga babae?

·        Ang kanyang payo ay dapat ang kababaehan ay bumangon at hindi kailangan magtago sa likod lamang. Malaya tayong ilabas ang saloobin, malaya tayong mag trabaho, malaya tayong humarap sa intablado. Karapatan natin ito dahil buhay natin ito kailangan natin itaguyod ang ating sarili kahit na wala ang kalalakihan at hindi aasa lang sakanila.

5.    Ayon sa awit, bakit hindi nakikita ang halaga ng mga babae? Umiiral pa rin ba sa kasalukuyan ang gayong akala?

·        Siguro’y sa panahon noon, Ngunit sa panahon natin ngayon ay may karapatan tayong ilayag ang sarili. May karapatan na tayong sumabay sa realidad ng mundo.


Mungkahing Gawain

1. Sa loob ng kasunod na kahon, gawan ng concept map ang salitang babae.



Comments

Popular posts from this blog

ANG PAGIGING BAKLA AY PAKAAYUBAY RIN SA KRUS NG KALBARYO NI ROLANDO A. BERNALES

ISKWATER ni Luis G. Asuncion

ISANG DIPANG LANGIT ni AMADO HERNANDEZ