ANG PAGIGING BAKLA AY PAKAAYUBAY RIN SA KRUS NG KALBARYO NI ROLANDO A. BERNALES

Ang Pagiging Bakla ay Pagkabayubay rin sa Krus ng Kalbaryo

ni Rolando A. Bernales

Mula sa antolohiyang Taguan: Dalawang Dekada ng Pagsusulat at Pagkamulat

 

Ang pagiging bakla ay habambuhay

 na pagkabayubay sa krus ng kalbaryo.

papasanin mo ang krus sa iyong balikat

habang naglalakad sa kung saan-saaang lansangan.

‘Di lagging sementado o aspaltado ang daan,

madalas ay mabato, maputik o masukal.

Mapalad kung walang magpupukol ng bato

o mangangahas na bumulalas ng pangungutya.

Kailangang tiisin ang matatalas na sulyap

O ang bulung-bulungan at matutunog na halakhak

‘Di kailangang lumingon pa, ‘di sila dapat kilalanin

sapagkat sila’y iba’t ibang mukha: bata, matanda

lalaki, babae, ina, ama, anak o kapatid

mayaman o mahirap, kakilala o ‘di-kakilala.

Sinong pipigil sa kanila? Hindi ikaw.

Anong lakas ang mayroon ka para tumutol?

Makapaghihimagsik ka pa ba kung ang iyong mga palad

at iyong paa’y ipinako nang lipunan

Sa likong kultura’t tradisyon at sa bulok na paniniwalang

nagdidiktang ang pagiging bakla ay isang kasalanan

na nararapat na pagdusahan sa krus ng kalbaryo

kahit pa ikaw’y magpumilit na magpakamarangal?!

Marso 11, 1995.

Gabay sa Pagsusuri

Narito ang gabay sa pagsusuri at huwag kalimutan na ilagay pa rin sa inyong ginawang blog ang mga sumusunod na sagot sa pagsusuri:

Pagtataya

1.    1.Ipaliwanag ang pamagat ng tula. Bakit gayon ang sinabi ng May akda sa pamagat?

·       Sinabi ng may akda kung paanong pinapasan ng mga BAKLA o ng LGBTQI ang pangungutya ng mga tao sakanila. Kahit anong pilit ng maging presentable kung may mga matang mapang husga walang mangyayari kailangan mong pasanin at tanggapin ang sarili.

2.   2. Sino ang sinasabi sa tulang ibat ibang muka, ano ginagawa nila?

·       Ang sinasabi sa tula na may iba’t ibang mukha ay ang mga taong mapang husga sa mga bakla na, ang mga taong hindi naiintindihan at hindi tanggap ang mga bakla, na pangmamaliit, pangungutya, panlalait at pananakit ng damdamin ang ginagawa. Mga taong naniniwala na hindi ka tanggap-tanggap ang pagiging bakla sa lipunan.

3.    3.Tukuyin ang mga sinasabi sa tulang likong kultura’t tradisyon at bulok ba paniniwala.

·       Sa tulang “likong kultura’t tradisyon at bulok na paniniwala” sinasabi na sa ating lipunan ay itinuturing na kasalanan ang pagiging bakla, dahil sa paniniwala na taliwas ang pagiging bakla sa kultura’t tradisyon na pinaniniwalaan ng lipunan kaya't itinuturing silang salot. Kahit na marangal ang kanilang ginagawa, at kahit propesyonal, hindi pa rin sila ligtas sa pagmamaliit sa kanila ng mga tao. Ang paniniwalang ito ay dapat nating bagohin, dahil bilang tao, may karapatan din silang mabuhay ng matiwasay na ayon sa kanilang kagustohan. Ang mga bakla ay isa sa nagpapasaya ng lipunan kaya't kailangan natin silang respetohin. Ang pagiging bakla nila ay hindi basehan para sila ay bastosin at maliitin, sa panahon ngayon malaking tulong ang ambag ng mga bakla sa lipunan kaya't tanggap man natin sila o hindi matuto tayong respetohin at ituring silang tao

Comments

Popular posts from this blog

ISKWATER ni Luis G. Asuncion

ISANG DIPANG LANGIT ni AMADO HERNANDEZ