Posts

ANG PAGIGING BAKLA AY PAKAAYUBAY RIN SA KRUS NG KALBARYO NI ROLANDO A. BERNALES

Ang Pagiging Bakla ay Pagkabayubay rin sa Krus ng Kalbaryo ni Rolando A. Bernales Mula sa antolohiyang Taguan: Dalawang Dekada ng Pagsusulat at Pagkamulat   Ang pagiging bakla ay habambuhay   na pagkabayubay sa krus ng kalbaryo. papasanin mo ang krus sa iyong balikat habang naglalakad sa kung saan-saaang lansangan. ‘Di lagging sementado o aspaltado ang daan, madalas ay mabato, maputik o masukal. Mapalad kung walang magpupukol ng bato o mangangahas na bumulalas ng pangungutya. Kailangang tiisin ang matatalas na sulyap O ang bulung-bulungan at matutunog na halakhak ‘Di kailangang lumingon pa, ‘di sila dapat kilalanin sapagkat sila’y iba’t ibang mukha: bata, matanda lalaki, babae, ina, ama, anak o kapatid mayaman o mahirap, kakilala o ‘di-kakilala. Sinong pipigil sa kanila? Hindi ikaw. Anong lakas ang mayroon ka para tumutol? Makapaghihimagsik ka pa ba kung ang iyong mga palad at iyong paa’y ipinako nang lipunan Sa likong kultura’t tradis...

ISKWATER ni Luis G. Asuncion

Image
ISKWATER ni Luis G. Asuncion   1.     1.  Ang sentral na paksa ng sanaysay na ito ay patungkol sa kahirapan ng mga iskwater. 2.    2.  "Nangako ang gobyerno kapag na demolis kami ay may nakahanda kaming malilipatang lupa." sangu itong 3.     3. Ang layunin ng may akda ay imulat ang mga mamamayan patungkol sa kahirapan. May mga pagkakataon na masaya tayo na di tayo nahihirapan sa buhay sapagkat wala tayong trabaho ngunit wala naman mailagay sa sikmura. 4.     4. Ang ideya na sinasang -ayunan ko ay yung pagkikilaban ng mga mahihirap sa sa pamahalaan kahit na sila ay binabantaan ngunit ang pakikipaglaban nila ay matiwasay at walang dugong dumadaloy.   Angideya na hindi ko sinasang - ayunan ay ang pakikipag siksikan ng mga taong mayayaman na at ang pangako ng gobyernong pabahay. 5.     5. Naiiugnay ko ang aking sarili sa nakalahad sa teksto sa pamamagitan ng pagbibigay respeto sa mga tao na kahit ano p...

BABAE KA ni ANI MONTANO

Image
1.   Paano inilarawan ang babae sa awit? ·         Inilalarawan ng awit na ito na ang kababaehan kung saan ay walang nagtitiwala isang mahina na ang naiaambag lang ay kagandahan. Ngunit ang babae ay tao rin na kailangan ding maging malaya at may karapatang malasap ang mundo. 2.   Sang-ayon ka ba sa sinabi sa awit na ang babae ay ganda lang ang pakinabang at sa buhay walang alam? Ipaliwanag. ·         Hindi, sapagkat ang babae ay may kakayahan din tulad ng mga lalaki di natin kailangan magtago sa isang sulok. Sa panahon natin ngayon napakarami na ang nag pupulis na noon ay para sa lalaki lamang. 3.   Magbigay ng mga halimbawang nagpapatunay na kaya ng babaeng ipaglaban ang kanyang karapatan at kalayaan. ·         Halimbawang nagpaoatunay na kaya ng babaeng ipaglaban ang kanyang karapatan at kalayaan. Marami sa kababaehan ay single mom, hindi mo maalis sakani...

SANAYAN LANG ANG PAGPATAY

SANAYAN LANG ANG PAGPATAY Fr. Albert Alejo , SJ (Para sa sektor nating pumapatay ng tao)   (Para sa sektor nating pumapatay ng tao)     Pagpatay ng tao? Sanayan lang ‘yan pare.   Parang sa butiki. Sa una siyempre   Ikaw’y nangingimi. Hindi mo masikmurang   Tiradurin o hampasing tulad ng ipis o lamok   Pagkat para bang lagi ‘yang nakadapo   Sa noo ng santo sa altar   At tila may tinig na nagsasabing   Bawal bawal bawal ‘yang pumatay.   Subalit tulad lang ng maraming bagay   Ang pagpatay ay natututuhan din kung magtitiyaga   Kang makinig sa may higit na karanasan.   Nakuha ko sa tiyuhin ko kung paanong balibagin ng tsinelas   O pilantikin ng lampin ang nakatitig na butiki sa aming kisame   At kapag nalaglag na’t nagkikikisay sa sahig   Ay agad ipitin nang hindi makapuslit   Habang dahan-dahang tinitipon ang buong bigat   Sa isang paang nakatingkayad: sabay bagsak.   Magandang pagsa...

ISANG DIPANG LANGIT ni AMADO HERNANDEZ

  ISANG DIPANG LANGIT Ako’y ipiniit ng linsil na puno hangad palibhasang diwa ko’y piitin, katawang marupok, aniya’y pagsuko, damdami’y supil na’t mithiin ay supil. Ikinulong ako sa kutang malupit: bato, bakal, punlo, balasik ng bantay; lubos na tiwalag sa buong daigdig at inaring kahit buhay man ay patay. Sa munting dungawan, tanging abot-malas ay sandipang langit na puno ng luha, maramot na birang ng pusong may sugat, watawat ng aking pagkapariwara. Sintalim ng kidlat ang mata ng tanod, sa pintong may susi’t walang makalapit; sigaw ng bilanggo sa katabing moog, anaki’y atungal ng hayop sa yungib. Ang maghapo’y tila isang tanikala na kala-kaladkad ng paang madugo ang buong magdamag ay kulambong luksa ng kabaong waring lungga ng bilanggo. Kung minsa’y magdaan ang payak na yabag, kawil ng kadena ang kumakalanding; sa maputlang araw saglit ibibilad, sanlibong aninong iniluwa ng dilim. Kung minsan, ang gabi’y biglang magulantang sa hudyat – may takas! – at asod ng punlo;   kung m...