SANAYAN LANG ANG PAGPATAY
SANAYAN LANG ANG PAGPATAY Fr. Albert Alejo , SJ (Para sa sektor nating pumapatay ng tao) (Para sa sektor nating pumapatay ng tao) Pagpatay ng tao? Sanayan lang ‘yan pare. Parang sa butiki. Sa una siyempre Ikaw’y nangingimi. Hindi mo masikmurang Tiradurin o hampasing tulad ng ipis o lamok Pagkat para bang lagi ‘yang nakadapo Sa noo ng santo sa altar At tila may tinig na nagsasabing Bawal bawal bawal ‘yang pumatay. Subalit tulad lang ng maraming bagay Ang pagpatay ay natututuhan din kung magtitiyaga Kang makinig sa may higit na karanasan. Nakuha ko sa tiyuhin ko kung paanong balibagin ng tsinelas O pilantikin ng lampin ang nakatitig na butiki sa aming kisame At kapag nalaglag na’t nagkikikisay sa sahig Ay agad ipitin nang hindi makapuslit Habang dahan-dahang tinitipon ang buong bigat Sa isang paang nakatingkayad: sabay bagsak. Magandang pagsa...