ISANG DIPANG LANGIT ni AMADO HERNANDEZ

 ISANG DIPANG LANGIT

Ako’y ipiniit ng linsil na puno hangad palibhasang diwa ko’y piitin,

katawang marupok, aniya’y pagsuko, damdami’y supil na’t mithiin ay supil. Ikinulong ako sa kutang malupit: bato, bakal, punlo, balasik ng bantay; lubos na tiwalag sa buong daigdig at inaring kahit buhay man ay patay.

Sa munting dungawan, tanging abot-malas

ay sandipang langit na puno ng luha, maramot na birang ng pusong may sugat,

watawat ng aking pagkapariwara.

Sintalim ng kidlat ang mata ng tanod, sa pintong may susi’t walang makalapit; sigaw ng bilanggo sa katabing moog, anaki’y atungal ng hayop sa yungib.

Ang maghapo’y tila isang tanikala

na kala-kaladkad ng paang madugo ang buong magdamag ay kulambong luksa ng kabaong waring lungga ng bilanggo.

Kung minsa’y magdaan ang payak na yabag, kawil ng kadena ang kumakalanding;

sa maputlang araw saglit ibibilad, sanlibong aninong iniluwa ng dilim.

Kung minsan, ang gabi’y biglang magulantang sa hudyat – may takas! – at asod ng punlo;

 

kung minsa’y tumangis ang lumang batingaw, sa bitayang moog, may naghihingalo.

At ito ang tanging daigdig ko ngayon – bilangguang mandi’y libingan ng buhay;

sampu, dalawampu, at lahat ng taon ng buong buhay ko’y dito mapipigtal.

Nguni’t yaring diwa’y walang takot-hirap at batis pa rin itong aking puso: piita’y bahagi ng pakikilamas,

mapiit ay tanda ng di pagsuko. Ang tao’t Bathala ay di natutulog

at di habang araw ang api ay api, tanang paniniil ay may pagtutuos, habang may Bastilya’y may bayang gaganti.

At bukas, diyan din, aking matatanaw sa sandipang langit na wala nang luha, sisikat ang gintong araw ng tagumpay... layang sasalubong ako sa paglaya!

Bartolina ng Muntinlupa – Abril 22, 1952

MENSAHE NG TULANG ISANG DIPANG LANGIT NI AMADO HERNANDEZ

Sa oras na iyon si Hernandez ay nakakulong kaya karaniwang sinasabi sa atin ng tula ang tungkol sa mga sakit, pagdurusa, at pag-asa ng isang bilanggo. Dahil sa tulang "Isang Dipang Langit" sumulat siya habang siya ay nakakulong. Doon naintindihan niya ang kanyang pagdurusa sa loob ng bilangguan.

ANONG URI NG TULA? ANONG TEORYANG PAMPANITIKAN ANG ANGKOP GAMITIN SA PAGSUSURI? 
 
Maaari itong masabing isang tulang elehiya, dahil ito ay nagsasaad ng matinding kalungkutan at isa itongpitong uri ng tulang pasalaysay.
 
ANONG TAGLAY NA DIWA/TEMA ANG INILALARAWAN NG PERSONA  SA TULA? 
 
Ang diwa/tema ng tula ay kung paano maghirap ang mga tao na nasa loob ng isang kulungan at kung paano nila ninanais na darating yung araw na makakawala sila sa hawlang iyon. 

ANG PINAKAMAGANDANG SAKNONG PARA SA AKIN

“Ang tao’t Bathala ay di natutulog

at di habang araw ang api ay api,

tanang paniniil ay may pagtutuos,

habang may Bastilya’y may bayang gaganti.”

Napili ko ito sapagkat sa kabila ng paghihirap ay nandun parin sakanya ang pananalig sa diyos na di dapat mawala bilang isang tao kahit na may pagdurusa paring nararamdaman.

PAGPAPAKILALA KAY AMADO V. HERNANDEZ 

Si Amado Vera Hernández ay ipinanganak noong 13 Setyembre 1903 – 24 Marso 1970. Si Amado V. Hernandez ay isang mahalagang tauhan sa panitikan ng Pilipinas. Hindi lamang siya simpleng manunulat ngunit, siya ay isang pinuno ng trabaho at isang mandirigma sa kalayaan. Ginamit niya ang sining ng panitikan bilang isang paraan upang ipaglaban ang kamalayan sa lipunan at kalayaan.

MAIKLING KWENTO MULA SA TULA NI AMADO V. HERNANDEZ 

Mayroong isang lalaking nagngangalang Amado V. Hernandez siya  nakulong sa krimen na di naman niya ginawa. Pagdurusa ang natamasa na di dapat niya naranasan, sa kabila ng kanyang naranasang pighati nanatili pa rin ang kanyang pananalig sa bathala sabi nga niya’y “Ang tao’t Bathala ay di natutulog at di habang araw ang api ay api, tanang paniniil ay may pagtutuos, habang may Bastilya’y may bayang gaganti.” Tinanggap parin niya ang kanyang kapalaran sa kabila nito.

 

 

Comments

Popular posts from this blog

ANG PAGIGING BAKLA AY PAKAAYUBAY RIN SA KRUS NG KALBARYO NI ROLANDO A. BERNALES

ISKWATER ni Luis G. Asuncion