SANAYAN LANG ANG PAGPATAY

SANAYAN LANG ANG PAGPATAY

Fr. Albert Alejo, SJ

(Para sa sektor nating pumapatay ng tao)

 

(Para sa sektor nating pumapatay ng tao)

 

 

Pagpatay ng tao? Sanayan lang ‘yan pare.

 

Parang sa butiki. Sa una siyempre

 

Ikaw’y nangingimi. Hindi mo masikmurang

 

Tiradurin o hampasing tulad ng ipis o lamok

 

Pagkat para bang lagi ‘yang nakadapo

 

Sa noo ng santo sa altar

 

At tila may tinig na nagsasabing

 

Bawal bawal bawal ‘yang pumatay.

 

Subalit tulad lang ng maraming bagay

 

Ang pagpatay ay natututuhan din kung magtitiyaga

 

Kang makinig sa may higit na karanasan.

 

Nakuha ko sa tiyuhin ko kung paanong balibagin ng tsinelas

 

O pilantikin ng lampin ang nakatitig na butiki sa aming kisame

 

At kapag nalaglag na’t nagkikikisay sa sahig

 

Ay agad ipitin nang hindi makapuslit

 

Habang dahan-dahang tinitipon ang buong bigat

 

Sa isang paang nakatingkayad: sabay bagsak.

 

Magandang pagsasanay ito sapagkat

 

Hindi mo nakikita, naririnig lamang na lumalangutngot

 

Ang buo’t bungo ng lintik na butiking hindi na makahalutiktik.

 

(Kung sa bagay, kilabot din ‘yan sa mga gamu-gamo.)

 

Nang magtagal-tagal ay naging malikhain na rin

 

Ang aking mga kamay sa pagdukit ng mata,

 

Pagbleyd ng paa, pagpisa ng itlog sa loob ng tiyan

 

Hanggang mamilipit ‘yang parang nasa ibabaw ng baga.

 

O kung panahon ng Pasko’t maraming paputok

 

Maingat kong sinusubuan ‘yan ng rebentador

 

Upang sa pagsabog ay magpaalaman ang nguso at buntot.

 

(Ang hindi ko lamang maintindihan ay kung bakit

 

Patuloy pa rin ‘yang nadaragdagan.) Kaya’t ang pagpatay ay nakasasawa rin kung minsan.

 

 

Mabuti na lamang at nakaluluwag ng loob

 

Ang pinto at bintanang kahit hindi mo sinasadya

 

At may paraan ng pagpuksa ng buhay.

 

Ganyang lang talaga ang pagpatay:

 

Kung hindi ako ay iba naman ang babanat;

 

Kung hindi ngayon ay sa iba namang oras.

 

Subalit ang higit na nagbibigay sa akin ng lakas ng loob

 

Ay ang malalim nating pagsasamahan:

 

Habang ako’y pumapatay, kayo nama’y nanonood.

 

Gabay sa Pagsusuri

1.    Sino ang personang nagsasalita sa tula? Ano ang kanyang sinasabi?

◇ Ang nagsasalita sa tula ay ang taong pumapatay, Minumungkahi niya ang pagkakaroon ng karapatang pantao.

2.    Ano’ng hayop ang pinapaslang sa tula? Paano ito natutulad sa pagpaslang sa tao?

◇ Ang hayop na pinapaslang sa tula ay ang butiki, Sa panahon natin ngayon bata man o matanda ay pinapatay na ng mga kapwa tao rin kaya't masasabi itong parang hayop kung patayin.

3.    Ano ang ibig sabihin ng huling taludtud ng tula? Ang huling taludtod ay nagsasabing napakaraming tao sa mundo ang gumagawa ng karumaldumal. Pwedeng ikaw o ako kahit sino sa paligid ay jayang kayang gawin ito.

4.    Kanino iniaalay ng may-akda ang tula? Sino-sino kaya sila? Inaalay ito sa mga mamamayan.

✔ang tula na sanayan lang pagpatay ni Fr. Albert Alejo, SJ ay inaalay niya ito sa pagsasagawa ng pagpatay na nakatuon sa sektor na pumapatay para sa ikabubuhay, mga taong mataas ang posisyon sa gobyerno at ginagamit ang kanilang kapangyarihan para pumatay.

Mungkahing Gawain

1. Magsaliksik tungkol sa partikular na kaso ng pagpaslang sa panahon ng kasalukuyang administrasyon. Matapos ay gumawa ng maikling reaksyong papel hinggil sa kasong nasaliksik.

 

“Kinakatay nila kami parang mga hayop.”

Mga Larawan at Teksto ni DANIEL BEREHULAK DEC. 7, 2016

 

Sa loob ng brutal na kampanyang kontra droga ni Presidente Rodrigo Duterte sa Pilipinas, 41 pinangyarihan ng pagpatay na may 57 biktima ang dinokumento ng aming photojournalist sa loob ng 35 araw.

 

NARIRINIG MO ANG ISANG EKSENA NG PAGPATAY bago mo pa ito makita: Ang desperadong hagulgol ng panibagong byuda. Ang tumatagos na hiyaw ng mga sirena. Ang pagtagaktak ng ulan na kumakalatok sa simento ng isang eskinita sa Maynila—at sa likuran ni Romeo Torres Fontanilla.

Si Tigas, ang turing kay G. Fontanilla, ay nakahandusay sa kalye noong dumating ako makalipas ang a la una ng umaga. Siya ay 37-taong-gulang. Pinagbabaril daw siya, sabi ng mga saksi, ng dalawang di kilalang mga lalaki sakay ng motor. Nabanlawan na ng buhos ng ulan ang dugo niya tungo sa kanal.

 

Ang eskinitang babad sa ulan sa distrito ng Pasay sa Maynila ay ang aking pang-17 tagpuan ng krimen, sa aking pang-11 araw sa kapital ng Pilipinas. Dumating ako para dokumentuhin ang madugo at masaligutgot na kampanya kontra droga na sinimulan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong nanumpa siya noong Hunyo 30: Mula noon, halos 2,000 tao na ang napaslang sa kamay pa lamang ng pulisya.

 

Sa 35 araw ko sa loob ng bansa, kinunan ko ng litrato ang 57 biktima ng pagpatay sa 41 lugar, ang bawat isa’y dilaw na tuldok sa mapa.

 

Nasaksihan ko ang madudugong mga eksena sa lahat ng lugar na pwedeng maabot ng imahinasyon—sa bangketa, sa riles ng tren, sa harap ng paaralang pambabae, sa labas ng mga 7-Eleven at ng isang McDonald’s, sa tapat ng mga higaan sa silid-tulugan at mga sopa sa sala. Pinanood kong sumilip ang isang babaeng nakapula sa isa sa mga karumal-dumal na tagpong iyon habang tinatakpan ng mga daliri niya ang kanyang mga mata, sabay niyang sinubukang protektahan ang kanyang sarili at pinayagan ding masulyapan sa kahuli-hulihang pagkakataon ang lalaking pinatay sa gitna ng abalang kalsada.

 

Di kalayuan sa kung saan pinatay si Tigas, natagpuan ko si Michael Araja, ang lalaki sa unang larawan sa baba, patay sa harap ng isang “sari-sari,” ang tawag ng mga lokal sa mga bentahan ng mga mumunting bilihin sa looban. Sabi ng kanyang mga kapitbahay sa akin, lumabas lamang si G. Araja, 29, upang bumili ng sigarilyo at inumin para sa kanyang asawa, para lamang barilin ng dalawang lalaking nakasakay sa motorsiklo, isang taktikang sa dalas gawin ay binansagan na ng sariling pangalan: riding in tandem.

 

Sa ibang komunidad, sa Riverside, isang duguang manikang Barbie ang nakahiga katabi ang katawan ng isang 17-taong-gulang na babaeng pinatay sa piling ng kanyang 21-taong-gulang na kasintahan.

 

“Kinakatay nila kami parang mga hayop,” sabi ng isang tambay na ayaw magbigay ng kanyang pangalan.

 

KARAMIHAN SA MGA SUMUSUNOD  AY NAGPAPAKITA NG  KARAHASAN.

 

‘Riding in tandem’

Sabi ng mga kapitbahay na si Michael Araja, 29, ay pinatay ng dalawang lalakeng nakasakay ng motorsiklo, tulad ng marami pang ibang biktima.

Isang mabangis na eksena

Si Frederick Mafe, 48, at Arjay Lumbago, 23, ay magkasamang nakasakay sa isang motorsiklo noong sila rin ay pinatay ng isang pares sakay ng isa pang motorsiklo.

Patayan sa eskinita

 TINGNAN ANG LOKASYON

Nakatungo ang mga imbestigador sa katawan ni Romeo Torres Fontanilla, kilala bilang Tigas. Ang mga pumatay sa kanya: dalawang lalaki sakay ng motorsiklo.

NAKAPAGTRABAHO NA AKO SA 60 BANSA, nasaksihan ko ang mga giyera sa Iraq at Afghanistan at inukol ko ang malaking bahagi ng 2014 nang nakatira sa loob ng Ebola zone ng Kanlurang Aprika, isang lugar na sinusunggaban ng takot at kamatayan. Ang naranasan ko sa Pilipinas ay panibagong antas ng kalupitan: mga pulis na dali-daling binabaril ang sinumang pinaghihinalaang naglalako o gumagamit ng droga, mga vigilanteng sineseryoso ang panawagan ni Presidente Duterte na “paslangin silang lahat.”

 

Sabi niya noong Oktubre: “Makakaasa ka ng 20,000 o 30,000 pa.”

 

Noong Sabado, sinabi ni G. Duterte na, sa isang tawag sa telepono kamakalawa, sinuportahan ng Pangulong-halal na si Donald J. Trump ang brutal na kampanya laban sa droga, at inanyayahan siyang bumisita sa New York at Washington. “Sabi niya yun, ginagawa natin ito bilang makapangyarihang bansa, ang tamang pamamaraan.” Ayon kay G. Duterte mula sa buod ng tawag na ipinahayag ng kanyang tanggapan.

 

Maliban sa mga pinatay sa opisyal na operasyon kontra sa droga, itinataya ng Philippine National Police na may mahigit sa 3,500 na di pa lutas na kasong pagpatay mula pa noong Hulyo 1, ginagawang isang mapanglaw na tahanan ng pagluluksa ang halos buong bansa.

 

Burol ng ama

Puno ng dalamhati na umiyak si Jimji, 6, sinasambit ang “Papa” habang tinutulak ng mga manggagawa ang katawan ng kanyang ama, si Jimboy Bolasa, 25, para ilibing.

Ilang mga katawan ang natagpuan sa mga kalye nang nakabalot ang kanilang mga ulo sa packing tape. Ang iba nama

 

Reaksyong Papel

 

Sa pagkaka upo ng ating pangulo sunod sunod ang pangyayaring naganap. Ang mga iba’y nakulong at nasa maayos na kulungan ang iba’y hindi tama ang trato sakanila ang iba nama’y naka handusay ang katawan kahit saan. Sa mga nagdaang taon libo na ang dumaloy na mga dugo sa panahong ito.  

 

Maraming pamilya ang may takot lumabas umaga man o gabi dahil sa kampanya kontra droga, dahil nagkaroon ang iba ng dahilan para pumaslang kahit hindi naman talaga droga ang dahilan.

 

 

Nakasusulat ng sariling akdang pampanitikang tumatalakay sa iba't ibang isyu ukol sa karapatang pantao.


Ang sakit ng isang

Hindi makatarungang mundo

Ang lalim na pinag-ugatan ng kasamaan ng ilang sangkatauhan

 

Isang sakit na sobrang lalim

ito'y aking minumulat araw araw

Araw na kinakatakot ko

kinakain ako ng buhay

 

Nilalamon ng baluktot na buhay

Ng mga hindi marangal

Kung hindi tayo tatayo at lumaban

Para sa karapatang pantao

 

Hindi maitatago ang hustisya

para sa lahat ng ating buhay

Sana'y magkaroon

pagbabago at

Maipaglaban ang ating karapatan

 

3. Mapahalagan ang dinamikong ugnayan ng panlipunang realidad at ng panitikan

Ang panitikan ay nagsisilbing anyo ng pagpapahayag ng bawat indibidwal na may-akda. Ang ilang mga libro ay sumasalamin sa lipunan at nagbibigay-daan sa amin upang mas maunawaan ang mundong ating ginagalawan. ... Gayunpaman, pinatutunayan ng panitikan ang tunay na kumplikado ng labanan ng tao". Ang panitikan ay salamin ng sangkatauhan at isang paraan para magkaintindihan tayo

 

 

 



Comments

Popular posts from this blog

ANG PAGIGING BAKLA AY PAKAAYUBAY RIN SA KRUS NG KALBARYO NI ROLANDO A. BERNALES

ISKWATER ni Luis G. Asuncion

ISANG DIPANG LANGIT ni AMADO HERNANDEZ